Oct 19, 2014

How to Deal With Dream Stealer's and Negative People

My Friend.

May mga kilala ka bang nag di-discourage sa business opportunity mo?

Yung mga taong super negative, kung saan ikaw pa yung kusang nag aalok ng magandang opportunity.

Sila pa yung mga nag sasabi na hindi maganda yung mga pinapakita mo.




Sila yung nag sasabi na hindi ka mag tatagal diyan o di mo kaya yan.

Ang tawag ko sa mga taong yan ay "DREAM STEALERS".



Hindi ko alam bakit ang dami nila?

Parang mga kabuti na nag sulputan kahit saan!

Mga taong may opinyon sa mga pinag gagawa mo.(SUPER EPAL TALAGA)

Nakaka bad trip pa nga minsan, palaging negative ang lumalabas sa kanilang bibig nakaka apekto na sa sarili mong belief system kung saan nawawalan ka na ng ganang ipag patuloy yung sinimulan mong business opportunity.

Kaya nais kung i-share sayo ang main point kung saan.

Dito malalaman mo kung ang isang tao ay DREAM STEALERS kapag ganito yung mga sinasabi nila sa'yo.

"Pare/Mare unahan lang yan".

"Sinubukan na yan ng mga ka kilala ko, Pero Mahirap yan"

"Magagaling lang ang yumayaman diyan"

"Ikaw? Yayaman, Sus! Asa ka pa".

"Kaylangan diyan may diskarte sa buhay".

"Pare baka scam yan".


Yung mga DREAM STEALERS ay pwedeng maging Kapamilya mo, Kamag anak, Kapit bahay, Kaibigan, Karelasyon o Kakilala natin.
(a.k.a Ka KKK)

Sa mga past experience ko.

At ayon sa aking Grand Up-line ko na si Sir. Eduard Reformina. May dalawang tipo ng DREAM STEALERS.


1) The Unintentional Dream Stealers

Eto yung mga taong nag-didiscourage at nag bibigay ng mga negative na opinions o comments sa mga malapit sa kanila. Pero di nila alam na nakaka discourage pala yung mga sinasabi nila.

Wala silang balak na makasama at hindi nila sinasadyang maka pag discourage ng tao.

2) The Intentional Dream stealers

May malaking problema ang mga taong 'to.

Mga taong gagawin ang lahat para lang maka pag discourage ng kapwa tao.

Ayaw na ayaw nilang makita kang successful sa career mo. Kaya kung ano-ano na ang sinasabi para lang hindi ka maka gawa ng action.

Napaka importante na maging aware ka sa taong dream stealers o epal sa buhay mo.

Kung sa tingin mo hindi mo kaya maging successful.

Makinig ka lang sa mga taong nakarating na sa gusto mong puntahan. Yung mga taong handang suportahan ka at gusto kang tulungan.

Maniwala ka sa Taas at sa sarili mo na kaya mong maging successful sa pangarap mo.

Maniwala ka na kaya mong ma-abot ang pangarap mo dahil ikaw ay pinanganak na may potential. Ang kailangan mo lang ay i develop yung mga natatago mong potential.

Hindi tayo makaka takas sa mga dream stealers.

Kaya once maging aware kana kung sino yung taong may sintomas ng Dream Stealers, Pwede mo hindi pansinin yung mga super negative opinions at comments nila.

Papaano ba?

Well simple lang. Wag mong pansinin at wag na wag mong pakinggan yung mga negative nilang sinasabi.

Enjoy your Life, My Friend!

Reminder:

Kung may naka salubong kang makulit na DREAM STEALERS o SUPER EPAL.

Itong gawin mo.

Iwasan mo, parang tae.

Anong gagawin pag may nakita kang tae sa kalsada?
TAE (Taong Ayaw Sa Mga Entrepreneurs ;D)

Takpan ang ilong at iwasan...

PS- May mga natutunan ba tayo sa post na 'to???

Feel FREE to click the Like and Post Your Comments Below.

Sa susunod kong post uli.




Your Friend for Success















Jason Andallo






No comments:

Post a Comment